Thursday, October 1, 2009

Gunot
Rodel Delera Anosa


Gunot, gunot, paano ka ginawa?
Ginawa? Nino? Saan?
Gunot, parang buhay na gusot.
Gusot, gusot pati damit.
Gusot, gusot pati dingding.
Tila gunot, gusot, gusot.
Sundot dito, gusot.
Sundot d’yan, gusot.
Kahit saan, pwede kang lumusot.
Lumusot! Ano? Saan?
Aba! Ang gusot na gunot sinundot
ni Bebot lusot.
Gunot, tila tuyong kinabukasan.
Tila tuyong pag-asa ng buhay.
Tila dekorasyong walang pumapansin.
Kawawang nilalang; walang pumapansin.
Kawawang nilalang! Nag-iisa!
Nagtimpi sa lungkot ng kanyang puso.
Ang kanyang pusong pusod ng
Bawat kinabukasan ng buhay.
Oo, tuyo man, at di maaring
Maibalik ang iyong anyong
Sa dati mong kaakit-kaakit na ganda.
Makinig ka! Pakinggan mo ako!
Ikaw ang isang Sanaysay ng
Buhay kong puno ng kabiguan.
Kaibigan kita. Maligayang Pagbati!
Gunot, ‘wag kang magsimangot.


September 02, 2005
During my Filipino Class
at Teresita Caballes-Young Memoral High School (TCYMHS),
Loca site, Sawang, Aroroy, Masbate

No comments:

Post a Comment